Huwebes, Setyembre 4, 2014



No0n at Ngayon

    Sa panahon ngayon at noon marami ng pinagbago. Nararamdaman mo 
ba ito .?.May mga tao na wala lang sa kanila, pero may iba din na pansin ito, kung baga yung may pakialam at walang pakialam. Tara ? talakayin natin ang usapin na  ito.
                                    
                                              

    Noon ang baba ng mga bilihin, sentimos lang buhay na at higit dun madami ka nang mabibili.
Ngayon.?.sentimos mo wala na,nakikita sa daan pero di pinapansin.di mo maibili ng pagkain at mahal na ngayon ang mga bilihin.

   Noon bago lumubog ang araw ang mga kabataan laLo na ang kababaihan nasa loob na ng bahay.
Ngayon ?ang mga kabataan umaga palang wala na sa bahay kung umuwi man 
ay madaling araw na o umaga na.




    Noon. Ang babae kasing lakas ng nanay niya sa paggawa ng gawaing bahay.
Ngayon ? Ang babae kasing lakas ng tatay niya uminom ng alak.

                                       


                              

    Noon.  Ang suot ng mga babae ay hindi mo makikita ang tuhod.
Ngayon?  Kulang nalang naka underwear na.

   Noon.  Malaki ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang na isang sutsot pa lang ay agad na tumatalima ang anak.
Ngayon ?  Wala ng galang ang mga bata,pudpod na ang dila ng magulang, pero di parin nasunod sa utos.
                                                 


                                              

   Noon.  Ang panliligaw ay pinag hihirapan at sa bahay mismo nanliligaw at nanghaharana pa.
Ngayon ?  Text lang,konting bola at kuha ng number sila na agad.



   Noon.  Muntik na yumaman ang Pilipinas
Ngayon ?  Kasama na ang Pilipinas sa mahihirap na bansa.




  Noon.  Ang Pilipinas ay puno ng mga magagandang puno at may sariwang hangin.
Ngayon ?  Ang Pilipinas ay puno ng basura at maruming hangin.

 Noon.  Ang salitang  Po at Opo ay laging ginagamit ng mga bata sa pananalita.
Ngayon ?  Wala ng galang kung sumagot at may mura pa.

  Noon.  Ang mga tao ay tigil sa bahay at laging may ginagawa.
Ngayon?  Tambay sa labas ng bahay, walang ginagawa at nang gugulo pa.

  Noon.  Hindi lahat ng babae ay maganda.
Ngayon?  Hindi lahat ng maganda ay babae.


                                                           

                                                           


  Noon.  Masarap maligo sa mga ilog.
Ngayon?  Hindi ka na gaganahan maligo sa ilog kasi ang nadaloy ay  basura na.

  Noon ang komonikasyon pag malayo ang mahal sa buhay ay sulat lamang.
Ngayon ang komonikasyon pag malayo ang minamahal ay text at facebook na.

  Noon isang babae lang ang uso sa relasyon.
Ngayon hindi lang isa ang babae sa relasyon,padamihan na.





        Sa aking obserbasyon ay malaki na talaga ang pinagbago ng panahon natin sa noon,ibang iba talaga tayo noon at ngayon,may mga wala at may mga dumagdag sa mga ginagawa ng tao. Sabi nga, pag may nalalagas na dahon,asahan mong may bagong tutubo pero kahit ganon iisa lang ang meron noon at ngayon, alam mo kung anu .? ang pananampalataya ng tao yun ang aking talagang pinansin. Tayo kasing Pilipino ay makaDIYOS at handang magbayad ng mga kasalanan natin at pag sisihan ito.diyos lang ang talagang walang pagbabago satin. Sa panahon natin ngayon marami ng tao at unti unti ng nasisira ang kapaligiran natin pero may mga mabubuting tao na tumutulong na mapaganda ang kapaligiran natin.